Dina Bonnevie, kinukumbinsi si Kristine Hermosa na magbalik showbiz: "Ang ganda ganda niya"



Isa sa mga naikwento ni Dina Bonnevie ay ang tungkol sa kanyang manugang na si Kristine Hermosa.


Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni Dina na hangang-hanga umano siya sa anak na si Oyo Sotto ay misis nitong si Kristine sa pagiging hands-on parents sa lima nilang mga anak.


Nalaman ng Trending Bytes sa naturang interview kung paano kinukumbinsi ni Dina si Kristine na magbalik showbiz.


Matatandaang minsan na ring naging prinsesa ng teleserye si Kristine dahil sa 'Pangako Sa'yo' kasama si Jericho Rosales.


Puring-puri ni Dina si Kristine na maging sa Miss Universe ay inalok din niya itong sumali.


"Actually ilang beses ko siyang tinatanong e, sabi ko Tin bakit ayaw mong mag-artista ulit? Sayang, right now she's so thin. Sobrang slim, ang ganda ganda niya. Sabi ko 'yung MIss Universe ngayon pwede nang sumali kahit may asawa. bakit hindi ka sumali? Hindi na Ma, Bakit? Masaya na ako nang ganito. Masaya na kami ni Oyo ng ganito lang"


Nais din niya sanang magkasama sila nina Oyo, Danica at Kristine na magkasama sa isang proyekto.


"Tinanong ko nung birthday ko, ayaw mo bang mag-artista ulit? Sabi ko, ang dream ko, Magkasama tayo sa isang soap. Ikaw, si Oyo, ako. Or si Danica kung pwede pa siya," kwento pa ni Dina.


Ayon naman daw kay Kristine, kung bibigyan siya ng pagkakataon, nais lang niyang light ang kanyang roles hindi tulad ng dati.


"Sabi niya, okay lang ma gusto ko pa sanang mag-artista pero ayaw na daw niya ng may iyakan. Ayaw na niya, gusto niya yung light lang. 'Yung happy lang. Siguro parang comedy lang or just a light show. Ayaw na niya ng may crying crying."


Narito ang kabuuang panayam kay Dina mula sa Ogie Diaz YouTube channel: