Isko Moreno, tinuldukan na umano ang pagpasok sa pulitika; "Retired na ako"



Isa sa natanong ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Isko Moreno ang tungkol sa pagbabalik nito sa pulitika.


Nalaman ng Trending Bytes na naging mariin na ang pagtanggi ng dating alkalde ng Maynila sa inaasahan pa ng marami na pagsabak muli nito sa pamumuno sa bayan.


"No, Retired na ako Ogie," ang sagot ni Isko na ngayo'y nagpapasalamat sa mas maraming oras na nailalaan niya sa kanyang pamilya.


"Well as far as I'm concerned, I'm happy now. I'm enjoying life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family. More time with my family," aniya.


Katunayan, kapag sila'y nasa kanilang tahanan, halos hindi nila mapag-usapan ang tungkol sa pulika. Lalo na at ayaw niyang pasukin din ito nang sinoman sa kanyang mag-anak.


"'Pag sa bahay, generally walang conversation about politics," aniya maliban na lamang nang magdesisyon siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa noong 2022. Isa umano ito sa malaking gampanin na kanyang papasukin at kailangan niya ang suporta ng bawat mahal niya sa buhay.


Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel: