Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya



Emosyonal si Jennica Garcia nang sabihin niyang pakiramdam niya ay siya ang dahilan na hindi na-enjoy ng mommy niyang si Jean Garcia ang teenage years niya dahil pinanganak niya si Jennica noong 19 taong gulang siya.


Nang naging ina siya ay mas naintindihan niya ang sakripisyong pinagdaanan ng kanyang mommy. Aniya, ang pinagdadaanan niya sa kasalukuyan ay pinagdaanan ng kanyang mommy noong 19 years old pa lang ito.


"Pag iniisip ko na what I am going through right now in my life is something that my mom had to go through at 19, mamahalin mo nang sobra yung nanay mo eh."


Kaya kahit paano ay nagpapasalamat umano siya na 33 na siya nang mangyari sa kanya ang kanyang matinding pinagdadaanan.