Miles Ocampo, emosyonal sa papuring natatanggap sa pagganap sa 'Batang Quiapo'



Naging emosyonal si Miles Ocampo nang mapag-usapan ang mga papuring natanggap niya sa mahusay na pagganap sa 'Batang Quiapo.'


Nalaman ng Trending Bytes na sa interview sa kanya ni Bernadette Sembrano, isa ito sa kanilang natalakay. Maging si Bernadette ay 'proud' kay Miles sa pagiging mahusay nitong aktres.


"Tapos yung naririnig ko 'yung comments nila, until now nakakabasa ako ng comments. Parang ang sarap sa feeling na hanggang ngayon pala may nakaka-appreciate sa akin... Iba yung validation na natatanggap ko for the past few days," naluluha na nasabi ni Miles.


"Weakness ko kasi 'yung pagsinabi nilang proud sila sa'kin... 'Pag naririnig ko 'yun sa boyfriend ko, sa management ko sa family ko. Worth it pala ang pag-iri ko at paggapang ko sa palengke," paliwanag pa niya.


Narito ang kabuuan ng panayam kay Miles mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano: