Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagbati kay Chito Miranda



Nagpost si Moira Dela Torre ng kanyang pagbati para sa kaarawan ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar. Ang pinost niyang picture ay ang screenshot mula sa kanilang video call at malapit na malapit ang mukha ni Chito Miranda.


Hati din ang mukha ni Chito at makikita ang picture ni Moira na tawang-tawa. Umani ng mga nakakaaliw na komento mula sa netizens ang birong ito ni Moira sa kanyang Kuya Chito.


"Hapi bertday sa kuya kong pogi!!!! labyu kuya Chito Miranda"




Sagot naman ni Chito ay hahanapin niya rin ang kanyang screenshot:


"Sige...ang lakas mo mang-asar ha? Pinagtatawanan mo ko na masyadong malapit yung phone ko sa mukha ko? Teka...hanapin ko yung screen shot ko."


Narito ang ilang komento ng netizens sa kanyang pagbati kay Chito:


"Salamat ate moi nakita namin ang utak ni kuya chito hbd"


"Ang kulit ni moi-moi buloy"


"Ang cute ng butas ng ilong ni chito... happy Birthday po"


Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.