Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar



Inabot ni Moira Dela Torre nang personal ang danggit na pinasabay sa kanya ng isang netizen sa kanyang pagpunta sa Qatar. Tinawag ni Moira sa audience si Christian na siyang nagkomento kamakailan tungkol dito.


Nang tanungin ni Moira si Christian kung may nami-miss ito sa Pilipinas sinagot siya nito na ang danggit ang kanyang na-miss.


Ani Moira, siya mismo ang nagbalot ng naturang danggit. Pabiro pa siyang hinanapan ng chicharon ni Christian. Napuno naman ng tawanan mula sa audience dahil sa mga litanya ni Moira kaugnay dito.


Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.