Nursing student na agad na tumulong sa vendor na nagilitan, pararangalan



Kinilala at mapaparangalan si Angyl Fyth Ababat, ang nursing student sa Cebu city na agad na tumulong sa tindera ng mangga na nagilitan ng leeg sa gilid ng kalsada.


Nalaman ng Trending Bytes na nakunan umano ng CCTV ang pangyayari kung saan ang isang lalake ang bigla na lamang lumapit sa tindera ng mangga habang nag-aayos ito ng paninda.


'Di nagtagal, biglang ginilitan ng leeg ng lalake ang tindera. Nakatayo pa ang biktima habang ang suspek naman ay nagawa pang makatakas.


Si Angyl na malapit lamang sa tindera ay agad na lumapit para lapatan ng t-shirt ang gilit sa leeg nito bilang paunang lunas.


Hindi iniwan ni Angyl tindera hanggang sa madala na ito sa ospital. Kasalukuyang nasa ICU pa rin ang vendor at nagpapagaling.


Nakunan ng video ni Rose Dianne Rensulat ang paglapat ng paunang lunas ni Angyl sa tindera.


Nahuli naman ang suspek na pawang selos ang motibo ng paggilit sa kinakasama.


Samantala, dahil sa kabayanihan ni Angyl at isa pa ring nursing student, nabibigyang parangal sila ng kanilang local government unit.


Maging ang pinapasukan nilang paaralan ay bibigyan sila ng scholarship bilang pagkilala sa kabayanihang kanilang nagawa na patunay lamang na isinasabuhay na nila ang kanilang natutunan sa paaralan.


Narito ang kabuuan ng pahayag ni Angyl mula sa Frontline Pilipinas ng News 5: