Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents



Tinalakay nina Ogie Diaz at kasama niya sa kanyang Showbiz Update Channel ang tungkol sa umano'y mga patutsada sa kanya ni Willie Revillame.


Nalaman ng Trending Bytes na isa na rito ang umano'y nabanggit ni Willie na pag-iwan daw ng talents ni Ogie sa kanya bilang kanilang manager.


Nilinaw ni Ogie na maayos ang kanilang paghihiwalay ng mga talents niya ay hindi talaga siya iniwan.


Ilan sa mga malalaking pangalan sa showbiz na nabanggit niya ay sina Vice Ganda at Liza Soberano.


"Tapos sinasabi pa ni Willie na o 'yung mga talents mo bakit ka iniiwan? Hindi po ako iniiwan. Maayos po kaming naghiwalay Willie. Si Vice Ganda ay almost five years kami, At hanggang ngayon, magkaibigan kami ni Vice. Kasi pinili namin 'yung nauna naming relasyon na magkaibigan kami kesa maging manager-talent ang aming relasyon," paliwanag ni Ogie.


"Pangalawa, si Liza Soberano. Natapos na ang kontrata sa akin. 11 years lang naman kaming nagsama ni Liza bilang manager-talent. Ngayon kung tinatanong mo, bakit ako iniiwan. Hindi ako iniiwan, pareho po naming desisyon, mutual 'yung desisyon."


Dahil dito, naitanong din ni Ogie kay Willie kung bakit hindi raw tumatagal ang mga co-host nito sa programang Wowowin.


"E kung ganun din naman ang usapan, tatanong ko na rin kay Willie, bakit hindi nagtatagal mga co-host mo? Hindi umaabot ng four and a half years? hindi umaabot ng eleven years."


"Mas matagal 'yung akin kesa sa'yo. E yung 'sa'yo 'di ba? yung mga co-host mong bading., 'yung mga standup comedians, bakit hindi nagtatagal?Sasabihin ni Willie, baka may deperensya siguro 'yung mga bakla," ani Ogie.


Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel: