Toni Fowler, ibinahagi ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012



Sa post ni Toni Fowler sa Instagram, ibinahagi niya ang picture nila ni Vice Ganda na kuha noong 2012 at ang bago nilang picture nang mag-guest siya ngayong araw sa It's Showtime. Aminado si Toni na hindi niya mapigilang maging emosyonal na nakabalik siyang muli ngunit hindi na bilang isang back-up dancer kundi bilang artista na.


"Hindi ko talaga napigilan luha ko sa live. For almost 3 years nag trabaho ako sa Showtime bilang BACK UP DANCER tapos ngayon nakabalik ako pero bilang guest ng ARISTA."


Hindi niya kinaligtaang pasalamatan si Coco Martin na siyang nagbigay ng pagkakataon sa kanya at iba pang mga vlogger at social media personalities na nakasama sa bagong serye nito.




Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.