Whamos at Antonette Gail, ikinuwento kung paano sila nagkakilala



Nakwento nina Whamos Cruz at Antonette Gail kung paano sila nagkakilala sa guesting nila sa YouTube show ni Toni Gonzaga na Toni Talks. Marami mang pinagdaanang pagsubok ay parehas nilang sinabi na wala silang pinagsisihan.


Ayon sa kwento nila, nagsimula ang lahat nang gayahin umano ni Antonette ang dance step ni Whamos sa TikTok. Dito nagsimula ang kanilang koneksiyon hanggang sa nagkausap na sila at niyaya umano ni Whamos si Antonette sa isa sa kanyang taping. Gayunpaman ay hindi raw pumunta si Antonette.


Kinalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob. Ayon kay Antonette ay iba si Whamos sa lahat ng mga nanligaw sa kanya at sa kanya niya natagpuan ang hinahanap niyang pagmamahal lalo at nagmula siya sa isang broken family.


Naibahagi naman ni Whamos na bilib siya sa pagiging maalaga ni Antonette sa kanilang anak.