Willie Revillame, ikinuwentong nagkaayos na sila ni Cristy Fermin



Aminado si Willie Revillame na mali niya na hindi niya pinanuod ang programa ni Cristy Fermin at kaagad na naglabas ng sama ng loob. Nagka sigawan at murahan sila ngunit kinalaunan ay nagkalinawan at nakapagpatawaran.


“Nagkausap kami ni Tita Cristy kanina, nagsigawan kami. Nagmurahan kami."


Sinabi ni Willie na para silang mag-inang nagkatampuhan at humingi siya ng dispensa kay Cristy at sa mga anak nito na nasaktan din umano sa kanyang nasabi.


"Parang mag-ina na nagtatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niyang nasaktan. Kung anuman yung nasabi ko ho, e, hindi naman yon pagsusumbat.


Kaugnay ito sa naging pahayag ni Willie na sinabihan siya ng taong mayabang na binigyan niya umano ng condo unit. Netong February 7 na episode ng Cristy Fer Minute ay pinagtanggool pa nito si Willie.


Gayunpaman nilinaw niyang nabiktima lamang siya ng clickbait at hindi na niya pinanuod ang programa ni Cristy. Aminado naman siya sa kanyang pagkakamali at humingi siya ng dispensa.