Liza Soberano, aminadong na-pressure noon sa KathNiel, JaDine at LizQuen



Isa sa napag-usapan nina Liza Soberano sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo ang tungkol sa mga love team.


Nalaman ng Trending Bytes na ang tinutukoy nila ay ang LizQuen nina Liza at Enrique Gil, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre at KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Isa umano ito sa natanong ni Bea kung saan inamin naman ni Liza na na-pressure umano siya sa pagkukumparang ito sa kani-kanilang mga love team.


Aniya, hindi ang media ang dapat na sisihin sa pagkukumparang nagaganap sa kanila.


"Honestly it's not because of the media it was more of like... It became a competition of who could make more hits especially with movies. I don't see it as a healthy competion when money is involved," diretsahang nasabi ni Liza.


Nakwento rin ni Liza ang tungkol sa pelikulang 'Hello, Love Goodbye' na sa kanila ni Enrique unang inalok.


Dahil sa nauna nilang proyekto, tila hindi na sila nahintay ng produksyon hanggang sa nabalitaan na lang umano niyang kay Kathryn Bernardo na ito.


Bago rin maging si Alden Richards ang muntik na rin itambal si Enrique Gil kay Kathryn sa nasabing pelikula.


Narito ang kabuuan ng panayam kay Liza mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo: