Gardo Versoza, nalungkot nang maisip na maiiwan ang mag-ina nya



Naibahagi ni Gardo Versoza na hati ang kanyang naramdaman noong inatake siya sa puso. Sa panayam sa kanya ni Julius babao, naiisip umano niya ang kanyang mag-ina na maari niyang iwan sakaling pumanaw siya.


Naisip din daw niya kung makikita na daw ba niya ang kanyang ina. Aniya, mama's boy siya kaya na-miss niya ang kanyang ina.


Natapos na ang una niyang angioplasty at mayroon pang gagawin sa kanyang isa pa ngayong Mayo.


Ayon pa kay Gardo, naging maalaga naman siya sa kanyang katawan ngunit marahil ay nasa kanilang genes ang dahilan ng pangyayari sa kanya. Nabanggit din niyang isa sa mabigat na ehersisyong kanyang nagawa bago siya atakihin at ang pagmo-motor nang malayuan habang mainit ang panahon.


Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.