Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase



Hindi napigilang maluha nina Rana at Zeinab Harake sa recognition day ng kanilang unang baby na si Lucas.


Nalaman ng Trending Bytes na wala umanong alam si Zeinab na rank 1 si Lucas sa kanilang batch sa paaralan.


Kwento ni Rana, surpresa nila ito kay Zeinab na inakalang 2nd si Lucas at hindi first.


Kaya naman nang mag-deliver ng speech si Lucas ay halos sabay na naluha ang dalawa na proud sa naabot ng kanilang baby Lucas.


"Bata pa lang siya, ganon na 'yung mindset niya," ani Rana nang maikwento nila na mismong si Lucas ang nagkukusang mapataas ang grades niya para makamit ang pagiging top one sa klase.


At dahil dito, binigay na rin ni Zeinab ang hiling ni Lucas na gadget gayung deserve naman daw talaga ito ng kanyang anak.


Narito ang kabuuang video ng masayang araw para sa pamilya Harake: