Pics ng pag-aresto ng pulis kay Awra Briguela, nag-viral na



Naging laman ng headlines si Awra Briguela matapos mapasama sa isang rambulan sa isang club sa Poblacion, Makati.


Dahil sa nangyaring gulo, kasama ang aktor sa inaresto ng pulis at dinala sa police station.


Nag-viral na ang screenshots ng pag-aresto ng pulis kay Awra. Pinost ng Fashion Pulis ang screenshots pati ang video ng rambulan at pag-aresto ng pulis mula sa Instagram account na @limitedryuu.



Isang babae na nagpakilalang kaibigan ni Awra Briguela ang nagsalita kaugnay sa kinasangkutang gulo ng kanilang kaibigan. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit sinuntok daw nito si Awra matapos nilang magkainitan.