Deborah Sun, nabasa raw ang panalangin ng anak kaya natigil siya sa pagbibisyo



Naibahagi ni Deborah Sun na naantig siya nang mabasa ang panalangin ng anak na sana ay magbago na siya. Sa vlog ni Julius Babao, ito umano ang naging daan para iwan na niya ang masamang bisyo na naglugmok sa kanya.


Maging ang paninigarilyo ay itinigil niya na dahil napagtanto niyang mas kailangan nila ang pangkain kesa pang-bisyo. Aniya, kapag ginusto talaga ng isang tao ay kakayaning matigil sa anumang bisyo.


Aniya, hiling niya na makapagtrabaho siyang muli at pagkatiwalaan ng mga producers para mabago ang kanilang buhay at naiisip daw niya ang mga anak niya sakaling maiwan niya ang mga ito.


Naging emosyonal siya nang ibahagi ang mensahe niya para sa mga anak niya at lahat daw ay gagawin niya para sa mga anak niya.


Payo naman ni Ara Mina sa kanya, huwag itong tumigil sa pagdadasal. Maging matiyaga daw sa paghihintay kung kailan ibibigay ng Panginoon ang ibibigay ang kanyang pinagdadasal.


Narito ang ilan sa komento ng netizens:


"Ang taong bukas sa puso ang pagtulong at hindi nahingi ng kapalit ay mas siksik liglig ang balik ng blessing. Naway mabigyan ng second chance si Ms Deborrah. At more blessings kay Ms. Ara"


"Masarap tulungan yung mga tao na hindi abusado yun bang may kahihiyan at talagang inaappreciate yung tulong na ibinibigay sa kanila. Its not really too late miss. Deborah, ang Diyos ay tunay na buhay at gumagabay sa mga taong handang magbagong buhay po."


"Amazing true story, noong araw napanood ko si Deborah Sun na humihingi ng tulong, Si Ara Mina pala ang tuluyang tumulong sa kanya ng lubusan, Si Ara may busilak na puso. May reward sa Dios ang mga taong tumutulong sa mga mahihirap."


Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.