Dyosa Pockoh, kinagiliwan sa viral post: "Parang ang unfair lang kase"



Marami ang naaliw sa post ng komedyanteng si Dyosa Pockoh kung saan kasama niya sina Ogie Diaz at Allan K.


Kapansin-pansin din ang larawan ng mga aktres na sina Teresa Loyzaga, namayapang si Cherie Gil at Jackie Lou Blanco na naihambing ni Dyosa sa larawan nila nina Ogie At Allan.


Dasal niya umano sa Diyos na hindi naman siya galit, ngunit pabiro nitong sinabing tila unfair ito para sa kanila.


"Lord, hinde po ako galit. Ang samen lang naman, kaya mo pala gumawa ng matangos na ilong bat di mo pa kami sinama. May problema ka ba samen? Inaano ka ba, Di po masama ang loob ko. Parang ang unfair lang kase," caption ni Dyosa sa kanyang viral post.




Samantala, narito naman ang komento ng ilang naaliw na netizen:


"Marami tayo kaya wag ka malungkot diyan beshy, importante nakakahinga pa tayo"


"Dapat naka sideview din sana para fair"


"Haha oo nga noh? Parang unfair"


"Ang bilis ng utak ni Dyosa... Nakita ko lang 'yang pic na yan tapos nagawan na niya ng nakakatuwang caption"


"Tawang-tawa ako Dyosa, napakanatural ng pagiging komendyante mo kaya wag mo na pansinin ang ilong mo kung di tulad ng sa mga nasa itaas na picture."