JHS student na nakatanggap ng Php100,000 money garland mula sa kanyang tita, viral



Marami ang napa-sana all sa nang mag-viral ang post ni Shiela Mae E. Magtoto na hindi nagdalawang isip na bigyan ng tumataginting na Php100,000 ang kanyang pamangkin na si Justin Enad.


Ayon kay Sheila, regalo niya ito sa pamangkin sa kanyang moving-up bilang pagtatapos sa junior high school.


Ang pang-agaw eksena pa lalo rito ay ginawa pa kasing money garland ni Sheila ang biyayang handog sa pamangkin.


"Para kahit papaano, maramdaman din na mahal namin siya kahit wala siyang medal," ani Sheila sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.




Gayunpaman, kapuri-puri umano ang pag-aalagang ginagawa ni Justin sa iba pa nilang kaanak at talagang kinakitaan umano ito ng kasipagan sa kanilang pamilya.


Ayon pa sa kanyang tita, magsilbi umanong motibasyon ang perang regalo sa kanya upang pagbutihin ang pag-aaral sa pagpasok niya sa Senior High School.


Moving-Up ceremonies at hindi pa maituturing na graduation ang tawag sa pagtatapos ng mga Junior High School Students o iyong nasa Grade 10. Gayunpaman, dalawang taon pa ang kanilang bubunuin para matapos naman ang senior high school.