Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"



Ayon kay Valentine Rosales, baka kaya hindi nagustuhan ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang pelikulang Barbie ay dahil hindit nito naintindihan ang pelikula dahil di raw ito nagsama ng translator sa sinehan.


Ani Valentine, kaya may tinatawag na unpopular opinion dahil aniya sa kasalukuyan ay nangungunang pelikula ang Barbie sa buong mundo.


"Di siguro naintindihan english kasi yung movie di nag sama ng translator sa Cinehan, well Opinion mo yan we respect it. Kaya may sinasabing the Unpopular opinion kasi Barbie is currently the number 1 movie worldwide as of this moment"


Binura na ni MJ ang naturang tweet na talaga namang umani ng mga komento at opinyon.



Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.