Ricci Rivero kung bakit pumupunta si Andrea sa condo niya ng madaling araw: "Para makipagbalikan"



Naglabas ng pahayag si Ricci Rivero sa Marites University sa pamamagitan ng mensaheng pinadala niya kay DJ Jhaiho. Dito ay inihayag niya ang kanyang saloobin kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya.


Nilinaw ni Ricci na hindi 3rd party si Leren sa paghihiwalay nila ni Andrea.


"Dun lang tayo sa totoo. Hindi 3rd party si Leren alam nila yan. Huwag silang pa-click bait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami. Mag mo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila."


Kaugnay naman sa kanyang pagsagot sa kaibigan ni Andrea na si Bea Borres, sinabi niyang nag-replay siya dahil sumusobra na sila at hindi siya nagsalita kahit may alam siya tungkol sa mga ito.


"Jai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she's pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako yung tao para manira. You all know me from the beginning."


Paliwanag pa ni Ricci, May 6 nang sinabi daw ni Andrea na wala na sila dahil sa babaeng kasama ng kanyang kaibigan. May 26 naman daw niya nakilala si Leren kaya aniya ay walang overlap.


"Nakilala ko si Leren May 26. And alam nilang mag bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko yun na pumunta doon so paanong overlap doon Jai?"


Hindi daw siya pumayag kahit pinupuntahan siya ng madaling araw ni Andrea para makipagbalikan dahil aniya ay ayaw na raw talaga niya.


"Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya ng condo ko nang madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single. She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla."