Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin



Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! muling natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa magaganap nang suspensyon ng programang It's Showtime.


Matatandaang ang naging dahilan umano nito ay ang 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez na inireklamo nang ilan na hindi tama lalo na at may kasama silang mga bata sa entablado kung saan nila ito nagawa. Bukod dito, may ilang mga reklamo na rin umanong natanggap ang MTRCB tungkol sa umano'y nalabag ng noontime show.


Sinasabing ang naturang suspensyon ay isa lamang sa mga hindi kagandahang nangayayri kay Vice Ganda buhat ng magkaroon sila ng relasyon ni Ion Perez ayon sa mga nakarating kay Cristy.


"Meron tuloy nagsasabi ngayon na, Vice, hiwalayan mo na si Ion. Hindi mo ba napansin mula nung naging kayo, ang dami nang senaryo sa buhay mo na hindi kagandahan. Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit. Baka mukhang hindi magandang ano sa'yo si Ion," pagbabahagi ni Cristy ng umano'y komento ng ilan sa relasyon ng dalawang It's Showtime hosts.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube Channel:


Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.