Pia Wurtzbach, pinakita ang aniya'y kalagayan ng TV nila matapos mapanuod si Michelle Dee



Naibahagi ni Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram stories ang picture ng isang TV na tila ay basag. Aniya, ito raw ang kalagayan ng kanilang TV matapos nilang manood ng Miss Universe 2023 kung saan kasali si Michelle Dee.


Inihayag ni Pia ang kanyang pagkakadismaya na hindi nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas dahil aniya ay gusto daw nilang mapanuod ito sa Question and Answer portion.


"Our TV situation after watching @michelledee compete. We were hoping to hear her at Q&A."


Sa naturang pageant kung saan naganap ang kontrobersiyal na pagkapanalo ni Pia, ang mapipiling limang kalahok lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na ipamalas ang kanilang husay sa pagsasalita at pagsagot sa mga tanong.


Narito ang ilan sa komento ng netizens:


"Symbolic lang sa frustration nya kanina siguro. Looks like a youtube video of a broken screen."



"Kung kasing yaman lang ako ni Pia Wurtzbach ganun din sana yung TV namin"


"Yung tv sa story ni pia wurtzbach di ko kinakaya"


Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.