Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na sa edad na 76



Nagluluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez. Pumanaw siya sa edad na 76.


Sa ulat ng Abante news, kinumpirma umano ng malapit na kaibigan ng aktor ang tungkol sa pagpanaw niya. Matatandaang isa sa pinakahuling serye na kanyang ginawa ay kasama ang KathNiel sa Too Good To Be True.


Kaya naman, marami sa KathNiel fans ang nalungkot sa balitang ito na kasunod lang din ng usap-usapang paghihiwalay ng KathNiel.


"Grabe kana 2023. Break na kathniel tas namatay pa si Ronaldo Valdez isa sa pinakamalapit sa puso ni Kathryn."


"RIP SIR RONALDO VALDEZ. Puro heartbreak ang dala ng Q4 ng 2023. Nakakashock! Prayers to the family of sir Ronaldo Valdez."


"OMG. Mr. Ronaldo Valdez for real? Lolo Sirrr! Ang lungkot lungkot naman!"


Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon.Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.