Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"



Naglabas ng opinyon niya si Christian Merck Grey kaugnay sa children's party para sa 1st Birthday celebration ng anak nina Whamos Cruz at Antonette Gail na si Meteor. Aniya sobrang daming nag-perform na hindi naman na daw dapat dahil birthday naman daw ng bata.


Bukod daw sa late na nag-umpisa ang party, wala din daw mga games para sa mga bata. Nilinaw niyang opinyon lang daw niya ito sa party.


Bukod kay Whamos, sumayaw din ang kapatid ni Whamos, ang tatay niya at si Antonette.