Antonette Gail, emosyonal nang makausap sa video call ang anak na si Baby Meteor



Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang latest video ng controversial vlogger na si Antonette Gail del Rosario.


Mapapanood kasi rito ang pagiging emosyonal ni Antonette habang ka-video call niya ang kanyang anak na si Baby Meteor.


Nangyari ang nakakaantig na video call nilang mag-ina habang nasa ospital si Antonette.


Matatandaang kamakailan lang ay sumailalim si Antonette sa isang operasyon para tanggalin ang tumubong Bartholin cyst sa maselang bahagi ng kanyang katawan.


Aminado si Antonette na bago isagawa ang operasyon sa kanya ay takot umano siya.


Aniya :


“Bago kaya ako magpaopera, natatakot talaga ako sobra. Alam ng anak ko ang nangyayari sa akin.”


At tila ramdam nga ng anak nila ni Whamos Cruz na si Baby Meteor ang kanyang nararamdaman, kaya naman maging ito ay makikitang malungkot din, lalo na’t malayo sa kanya ang kanyang ina.


Dahil naman sa kalungkutan na nakikita niya sa mukha ni Baby Meteor, kaya naman hindi na rin napigilan ni Antonette na maiyak.


Sabi pa ni Antonette :


“Tingnan mo kasi parang sad siya. Nakasimangot siya […] Gagi, nakakaiyak. Naiiyak ako kay Meteor.”


Para maibsan ang kalungkutan ni Baby Meteor, sinabi ni Antonette rito na okay lang siya.


Ani Antonette kay Baby Meteor :


“Okay lang si Mommy. Wala na ang bukol ni Mommy.”


Samantala, maraming netizens na nanay din na katulad ni Antonette ang naka-relate sa kanyang sitwasyon.


Komento nila:


“Pagaling ka po idol hirap talaga pag may sakit ang ina mapalayo tayo sa anak natin mamis agad natin sila pati tayo hinahanap hanap nila tayo i feel you po idol”


“Pag Ina k na iba n Ang sobrang pag mahal s anak…kht n mnsan di ntin spa matiis n mkita..”


“Iba tlga ung feeling ng isang ina khinaan tlga ung mga anak”


“I feel you ganyan din aq Nung na opera aq last year Oct. Nag vc sa anak q nalaman q pa nilalagnat at inuubo anak q sobrang nag alala aq at iyak Ng iyak ung pkiramdam n gusto q n agd umuwi para sa anak q huhuhuh peo d pwede KC kaka lbas q lng Ng operating room..”