Bea Alonzo, pinagtanggol ni Beatriz Saw: "I assure you wala siyang something sa character"



Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen kaugnay sa dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain.


Dagdag pa niya, kahit gaano pa kayaman kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki.


Sagot naman ni Beatriz na isa sa mga malapit kay Bea, sinisigurado niyang walang 'something' sa character ni Bea.



Kasunod ng paglabas ng kumpirmasyon ni Boy Abunda ay umani ng mga reaksiyon at komento ang balita.


Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.