Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli



Nagulat si Karylle sa grand gesture ng kanyang mister na si Yael Yuzon nang mag-propose ito sa kanya para magpakasal silang muli sa kanilang isang dekadang pagsasama. Ani Yael, hindi niya noon nagawa na mag-propose sa ganitong paraan dahil aniya ya dalawa lang sila noon sa loob ng kotse nang mag-propose siya.


Kwento pa ni Yael, ayaw ni Karylle ng surprise dahil gusto daw nito nakaplano ang mga gagawin niya. Kaya naman makikita sa mukha nito na tila naguguluhan niya.


Masaya naman si Karylle at agad na pumayag sa proposal ng asawa bago humiling na kantahan siya nito.


Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.