Bea Alonzo, napansin ng netizens na suot muli umano ang engagement ring kay Dominic



Mabilis na napansin ng netizens na tila suot na muli ni Bea Alonzo ang kanya umanong engagement ring kay Dominic Roque.


Sa promotional ad ng BASH, una agad na napansin ng netizens ang umano'y engagement ring na nasa daliri na muli ni Bea.


Gayunpaman, may ilang mga nagsasabing maaring kuha ang larawan bago pa man sumiklab ang anunsiyo nina Bea at Dominic sa kinahinatnan umano ng kanilang engagement.


Subalit sinasabi ng netizens na sakaling matagal nang isinagawa ang naturang photoshoot, inaprubahan pa rin umano ito ni Bea para isapubliko sa kabila ng posibilidad na makita nga ang naturang engagement ring.


Sa kabila nito, patuloy pa ring naging positibo ang kanilang fans na tila nagkaayos na ang dalawa nang mapansin din nilang napusuan ni Dominic Roque ang naturang post ng larawan ni Bea sa Instagram.



Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.