Kim Chiu, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa hirit ni Vice Ganda tungkol sa taong nakipag-break



Hindi na natapos ni Vice Ganda ang kanyang hirit tungkol sa ginagawa ng ibang tao bago makipag-break. Ito ay matapos siyang mapatingin kay Kim Chiu na tumitingin din sa kanya na tila gustong pigilan si Vice sa sasabihin niya.


Sa episode ngayong araw ng Expecially for You ay napag-usapan nila ang tungkol sa paghihiwalay ng sumalang na dating magkasintahan.


Natanong ni Vice Ganda sa lalaki kung kinuha ba nito ang pasalubong sa kanya gayong may balak siyang makipaghiwalay.


Nang kumpirmahin naman ng lalaki na kinuha niya pa ang pasalubong sa kanya bago makipag-break ay sinabi ni Vice na dapat hindi na nito kinuha.


"Be-breakin mo tapos kinuhanan mo ng pasalubong.. Parang yung iba bago breakin..."


Natawa si Vice nang makita niya si Kim na nakatingin sa kanya ng makahulugan.


"Wala akong sinabi."