Diwata, sinagot ang komento ng netizen tungkol sa umano’y ‘pagpapakitang-tao’



Nagbahagi si Diwata ng isang video sa social media kung saan aktibo siyang nakilahok sa isang event na may Zumba session. Sa video, makikita ang masigla niyang pakikibahagi at pakikisama sa mga dumalo, bagay na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.


Habang maraming komento ang nagpapahayag ng suporta, may ilan ding mga kritikal na reaksyon, kabilang ang isang komento na tila pinagdududahan ang intensyon ni Diwata sa kanyang paglabas sa publiko.


Isang netizen ang nagbigay ng payo kay Diwata na itigil na ang kanyang mga plano sa pulitika. Ayon sa komento, “Wag muna pag patuloy mga plano ndi ka mananalo 😂 Kung umpisa plng maayos ka nkisama sa tao, ngaun papakitang tao ka.” Ang pahayag na ito ay tila nagpapahiwatig na ang kasalukuyang ginagawa ni Diwata ay isang anyo ng ‘pagpapakitang-tao’ lamang at hindi tunay na pagmamalasakit sa publiko.


Sa kabila ng puna, kalmado at positibong sinagot ni Diwata ang komento. Sa simpleng tugon niyang, “tuloy ang laban😂”, malinaw ang kanyang kumpiyansa at determinasyon na ituloy ang kanyang mga plano.


Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.