Ama ng 5 taong gulang na nasawi sa trahedya sa NAIA, umano'y tulala at hindi makausap



Tulala at hindi makausap ang ama ng limang taong gulang na bata sa trahedyang naganap sa NAIA terminal 1 ngayong Mayo 4.


Sa ulat ni Dennis Datu ng TV Patrol, sinabing nailipat na sa St. Lukes hospital ang ina ng bata at biyenan nitong malubhang nasugatan.


Ayon sa kaanak ng biktima na si Randy Balog, tatlong linggo pa lamang nakasama ng ama ang nasawing anak.


"'Yung bata ay ngayon pa lang nakasama ng tatay. Dahil nung bago siya sumakay, ay maliit pa yung bata parang wala pang muwang, wala pang malay. Ngayon ay nangyari nga, hindi inaasahang pangyayari. Talagang napakahirap, napakahirap ding tanggapin."


Hindi na rin tuluyang nakaalis ang ama dahil sa nangyari.


Samantala, sa mga video na unang naibahagi ng ilang netizens na nakasaksi sa pangyayari, makikita ang panaghoy ng ama na walang ibang nasabi kundi "Anak ko 'yan."


Gumulantang sa publiko ang pagharurot ng isang SUV na umano'y magpa-park sa NAIA terminal 1.


Sa ilang video na nailabas, makikita kung paano umano'y naararo ng SUV ang mga taong nasa harap ng nasabing terminal.


Narito ang kabuuan ng ulat mula sa ABS-CBN News: