Bagong Santo Papa, makailang beses na umanong nakabisita sa Pilipinas
Tila mapalad ang Pilipinas na makailang beses na 'di umanong nabisita ng bagong hirang na Santo Papa na si Pope Leo XIV.
Sa mga larawang ibinahagi ng Saminario San Agustin sa ABS-CBN, makikitang nakapagmisa pa ang dating si Rev. Fr. Robert Francis Prevost OSA sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila kaugnay sa Order of Saint Augustine's Intermediate General Chapter in 2010.Sa mga larawang ibinahagi ng Saminario San Agustin sa ABS-CBN, makikitang nakapagmisa pa ang dating si Rev. Fr. Robert Francis Prevost OSA sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila kaugnay sa Order of Saint Augustine's Intermediate General Chapter in 2010.
Sa mga larawan namang naibahagi ni Genesis Pacaldo Labana, makikita ang iba pang lugar sa bansa na nabisita ni Pope Leo XIV. Ilan sa mga ito ay ang Colegio San Agustin sa BiƱan, Laguna at University of Regina Carmeli sa Malolos, Bulacan.
Inabot ng halos dalawang araw ang conclave of Cardinals sa pagpili ng bagong Santo Papa. Matatandaang isa sa matunog na pangalang papalit umano kay Pope Francis ay ang isa sa mga pilipinong kardinal na si Cardinal Luis Antonio Tagle.